Monday, March 11, 2013

Tula Ng Pag-Ibig

   Tula Ng Pag-Ibig

       Ikaw ay dumating sa panahon ng kalungkutan,
      Pinagwalang bahala ang iyong kagandahan!


     Hindi ko alam kung ako'y babangon pa,

      Hanggang ika'y dumating at aking makita!


    Nagsimulang mapawi itong kalungkutan,

       Nagbabago ang paligid kapag ika'y namasdan!


      Ang iyong pagkamagiliw ang naging sandigan,

     Parang may bagong buhay ang nararamdaman!


Ikaw na ba ang bigay ng Maykapal?

Oo, ikaw na nga aking minamahal!


      Salamat sa pagdating sa aking munting buhay,

 Giliw, ang pagibig kong ito sa iyo ay alay!


   Ngayon ang buhay ko ay isang ganap na,

  Dahil bigay ng DIYOS itong aking sinta!

No comments:

Post a Comment