Sunday, March 3, 2013

Tula Tungkol Sa Kalikasan

  Tula Tungkol Sa Kalikasan


Sa lahat ng aking mga Kababayan
Sana ay magustahan niyo
Isang Tula tungkol sa Kalikasan
Ang inihahandog ko sa inyo.

O aking bansang sinilangan.
Ikaw ang Perlas ng Silangan.
Angking ganda’y nakakawiling tingnan.
Bigay ay kasayahan sa bawat nilalang.
Maraming nalungkot ng ang Bagyong Ondoy ay nagdaan.
Ang sentro ng naapektuhan ay ang Kamaynilaan.
Lubhang napakarami ang nasalanta.
Paano nga ba makakaahon sa naiwan mong trahedya?

Ano kaya ang nasa isip ng iba sa inyo?
Isang pagsubok lamang ba ito?
Ito ba’y isang paghihiganti ng Kalikasan
Dahil ito’y tila parang napapabayaan.
Sa kabila ng lahat ay nakakatuwa.
Nagtutulungan ang bawat isa.
Mayaman, mahirap maging ang mga sikat.
Nagtutulong tulong upang muling makaangat.
Handa na ba kayo sa dalawang bagyong paparating?
Ang kasunod ay tinawag sa katagang Pepeng.
Maghanda ng mabuti, lahat ng mamamayan.
Makinig sa bawat anunsiyo na ipapaalam.
Salamat sa oras na ginugol ninyo.
Sa pagbasa ng simpleng tula tungkol sa kalikasan na ito.
Sana ang lahat ay huwag makalimot magdasal.
Nawa’y ang Diyos sa atin ay gumabay.

No comments:

Post a Comment