Monday, March 11, 2013

Tungkol Sa Kapaligiran

 Tungkol Sa Kapaligiran


Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya't pagsisikapan kong ito'y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba't-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero't makata,
Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.

http://wiki.answers.com/Q/Tula_ukol_sa_pagpapahalaga_ng_kalikasan

10 comments:

  1. Pede ko po ba to gamitin sa project ko.... Ilalagay ko nalang po Yung pangalan ng author sa itaas... Salamat po...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi pwede ito gamitin sa anumang paraan. Dahil hindi ko ito pinapayagaan

      Delete
    2. Hello po pwede pong gamitin sa ass magbigay nghalimbawa ng mga tula mag research sa internet

      Delete
  2. Thanks nagamit ni junior sa school.

    ReplyDelete
  3. Pwede ko po ba ito gamitin sa aking proyekto ? Salamat po

    ReplyDelete
  4. Pwede ba kaya toh SA proyekto namin

    ReplyDelete