Kapit Bisig
Pilipinas ang pangalan
nitong bayang sinilangan
Kinalakihan at nagbigay
ng biyayang inaasam
Kasama ko sa layunin
Kabalikat sa pangarap,
sa tungkulin at tagumpay.
Ang bayan ko ay sagana
sa lahat ng likas-yaman
Ilog,dagat,bukid,bundok
ang kaloob sa'ming tanan
Kaya't maraming nilalang
sa amin ay nagpupugay.
Kaming lahat sama-sama
tulong-tulong sa paggawa
Nilalangoy itong dagat
ninilinang itong lupa,
Inaakyat itong bundok,
tinatapyas itong lungg
kayamanang nakatago
sa'ting bayang pinagpala.
Pagdumating ang tagsalat,
waring kami'y nagugutom
Kaya aming kinukuha
likas-yamang nakatipon
Kapwa nami'y tutulungang
makabalik,makabangon
Ihuhuli ang sarili
pagkat ito'y aming layon.
Kung ang baya'y nagugulo't
waring nasa panganib
Kami'y handa sa pagtulong
nang ang gulo'y di sumapi't
Sama-sama,tulong-tulong,
lahat kami'y kapit-bisig,
Sa paglaya nitong bayan
buhay namin ang kapalit.
No comments:
Post a Comment